fight or let go?
wala lang.. anung petsa na? este oras? at andito pa din ako at gumagawa ng walang kwnetang entry. wahaha. okay lang yun. anyway.. napulot ko lang toh sa friendster bulletin, and na-grab yung attention ko by the title "fight or let go" kasi.. ahem.. may experience nako regarding that matter.CHOICES: fight...or let go
1.Pano pag mahal ka ng taong mahal mo?
~ fight! duh. mahal ka pala eh. mahal mo din naman. ipaglaban mo! ipagtpatayan mo. joke. pero seryoso, kung mahal niyo ang isa't isa, huwag niyo hahayaang may sumira lang noon. gets? okies. :)
2.Pag di ka mahal ng taong mahal mo?
~ fight prin! or at least, try your best to make him love/like you. if all else fails, give up na. maghanap ka ng iba. god has better plans for you, dear. :P
3.Pag iniwan ka ng taong mahal mo dahil di ka na
niya mahal?
~ let go :(( ouch. tagos ito ah.. basta pag di ka na mahal, kahit masakit ilet go mo na.. kasi lalo ka lang masasaktan in the end.. madaling sabihin pero mahirap gawin.. ahwell.. ganyan talaga ang buhay.. may mga bagay na dapat tayong i-let go parasa sa ikasasaya ng iba lalong lalo na ng taong minamahal natin.. :(
4.Pag iniwan ka ng taong mahal mo kahit na
mahal ka pa niya?
~ fight.. kasi.. as long as he still loves you.. kelangan mo siya ipaglaban!
5.Pag iniwan mo yung taong mahal mo dahil sa
ibang bagay kahit na mahal mo pa siya?
~ fight.. as i've said earlier. fight pag love mo pa! at love ka pa niya!
6.Pag iniwan ka ng taong mahal mo dahil may
mahal siyang iba?
~ let go.. parang question no. 3 din toh ah.. kaso may third party involved.. ouch.. tagos uli.. :((
7.Pag inagaw siya sayo ng iba?
~ fight! patayin mo yung nang-agaw! joke! :)) basta ipaglaban mo!
8.Pag napunta sa iba yung mahal mo kahit na
ikaw ang mahal niya?
~fight.. :>
9. Pag pinagpalit ka ng mahal mo sa taong hindi
niya mahal?
~ let go.. sira ulo pala siya eh!
10.Pag ginamit ka lang ng taong mahal mo
- let go! potek! di ka laruan! tao ka, babae ka. may damdamin na dapat pinapahalagahan..
---
okaaay,.. labo ko na.. basta ganun.. in the end kayo rin talaga ang magdedecyd kung ipagpapatuloy niyo pa ang laban or susuko na kayo.. basta.. ask for god's help.. and listen to your heart.. :))
Labels: love, random stuff, sadness


0 Comments:
Post a Comment
<< Home