Saturday, February 17, 2007

god is good, man! :)

yes. GOD is so good.

maniwala ka, oo ikaw. mabait at mabuti si GOD. lahat ng nangyayari sa buhay natin - maganda man o hindi, masaya man o hindi, lahat ng ginagawa niya satin, lahat ng bagay sa mundo ay may kahulugan at naayon sa kagustuhan niya. at since alam natin na lahat ng kagustuhan niya ay tama at mabuti, by transitivity (naks naman, geom! :D), lahat ng nangyayari sa buhay natin ay tama at mabuti. oo tama, ang nabasa niyo. kahit sinong nakadaan na sa mga pagsubok ng buhay ay mag-aagree sa sinabi ko. lahat as in lahat. kahit minsan, akala natin masama ang mga nangyayari sa buhay natin, in the end, malalaman natin na will of god lang yun. at in the end, magiging masaya tayo, as long as we trust god and his will.

oo, minsan nahaharap tayo sa mga problema o sitwasyon na tila mahirap lutasin, yung parang "pasan na natin ang mundo", minsan naman sobrang malungkot tayo sa mga bagaybagay na nangyayari, pero pagkalipas ng ilang panahon ay malalagpasan din natin ang mga pagsubok na hinarap natin dati. at magiging mas matatag at mabuting tao na tayo.

tama naman ako diba? diba? so, bakit ko ba sinasabi ang lahat ng ito? walalang! =) walalang nga ba? haha.

kasi naman, tuwang tuwa ako. bakit kamo? kasi naisip ko,grabe ang swerte ko pala talaga. bakit?

dahil madaming nagmamahal sakin, dahil marunong ako magmahal at magbigay, dahil maganda ang pamilya ko, dahil madami akong kaibigan, dahil buhay pako, at dahil si 'patti' ako. siguro maraming natawa sa sinabi ko, ano ba naman kasing meron ako na wala ang iba diba? oridinaryong babae lang naman ako, hindi ganoon kaganda, hindi ganoon kayaman. pero masaya ako at yun ang pinagkaiba ko sa ilan. masaya ako sa mga pagsubok na napgdaanan ko, kasi it made me a better person. masaya ko kasi ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng mga tao sa paligid ko.

wala lang. sharing? haha. um, ewan, siguro gusto ko lang kasi mag-express ng nararamdaman ko. labo. haha. =)

yun lang.

and, um, ang masasabi ko lang

god is good, especially to people who truly deserves it. so be good, feel good and do good, guys! :)

mwahs!

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home