merry christmas everyone! ;p
Uhm i'm bored, and yet andami ko pang pending homeworks, and tinatamad pa ako, kaya magkwekwento muna ako! Hehe. Hindi ko na actually maalala yung iba, so pardon me for that, i will try my best to share everything i can.First pumunta kami sa Star city, Liann, Shane, James, Angel, Ate Ericka, Lorenz, and ang aming mga julalays, joke. mga mommy. At first akala ko hindi ako mag-eenjoy but i was wrong, grabe super asteg! Andami naming sinakyan na rides, unfortunately di ako mashado nakasama kasi i have to guard Angel, pero ayos lang noh! Astig ata maging ate even for one night! :)
oh well, after nung star city, wala na mashadong magandang nangyari sa vacation ko. ewan ko pero parang i've wasted my vacation for nothing good at all, akala ko makakadota ko, hindi pala. akala ko magiging ok na kami ng mga so called "kaaway" ko, hindi rin pala, akala ko uuwi yung dad ko for christmas, hindi rin namann, akala ko magagawa ko homeworks ko kaagad, hindi pala, akala ko masaya ako this christmas, hindi naman pala, akala ko matutuloy na yung singapore vacation namin, hindi pala. haay. Andami kong akala noh? hindi ko man lang naisip na ang christmas ay season of love, sharing, and joy.
Tapos nung dec. 23, binalot ko yung gift ko for my mom and my family. sa wakas noche buena nah, kainan na.. anung handa namin? shempre the usual handa ng isang average filipino family, bukod doon ay naghanda kami ng cake ni mama, sarap. hehe..
Tapos, Dec. 25 nah, shempre may handaan uli, tradisyon na kasi sa aming family na mag-reunion every Dec. 25, at sa bahay namin yun gingawa, sobrang puyat ako kaya 11 na ata ako nagising, busy ang lahat sa bahay, lahat nagluluto, to make it short lahat sila busy, habang ako ay excited ng kumain, haha! :p andaming handa, tumaba ata ako ng 10 pounds sa sobrang dami ng kinain ko eh. haah!
Dec. 26, birthday ng mommy ko, ayun konting handa na lang pero shempre di mawawala ang cake. hehe.. doon ko narealize na masaya pala dapat ako, dapat masaya ako kasi maraming tao ang nagmamahal sa akin, maraming tao ang nakakaalala, hindi man lahat ng tao sa mundo ay gusto ako, at least mahal ako ng mga taong mahal ko.. o db?
merry christmas everyone! :D


0 Comments:
Post a Comment
<< Home