Tuesday, April 11, 2006

ang buhay ay buhay..

maraming nangyayari sa pang-araw araw nating buhay.
karamihan sa mga nangyayari ay hindi natin ginusto/inaasahan. karamihan sa kanila ay hindi maipaliwanag at mahirap intindihin. karamihan sa kanila ay ung tipong kinukwestiyon natin kung bakit nangyayari. kadalasan pa nga ng mga plano natin o gusto ay hindi nangyayari.

bakit nga ba ganito? bakit ganito ang buhay? mahirap ipaliwanag, mahirap din intindihin. madaming pasikot sikot, paligoy-ligoy.

so anu bang point ko sa pagsusulat ng entry na ito?

ewan ko ba. boring lang talaga cguro kaya ako, nagta-type nang ka-eklatang ito. pero, seryoso bakit ganito ang buhay? parang ang bilis ng buhay, ang bilis ng pag-ikot ng mundo. sa sobrang bilis, hindi ko namamalayan, tumatanda na pala ako, lumalaki, nagiging bilmoko ( as in bili mo ako.. ), nagiging maxadong oa, nagiging weight conscious, nagdadalaga, naiinlove , nagmamature..

parang kelan lang ay pumasok ako sa pisay, at ngayon mag-sesecond year na pla ako! haay, hindi ko man lang namamalayan. nagbabago na pala ako pati ang mundong ginagalawan ko. andami nang nagyayari pero parang wala lang. NR ako.

cguro nga dapat na akong magpakatino. 13 years old nko, at hindi nako bata. alam ko na ang mga gusto ko mangyari sa buhay ko, alam ko na din kung anung tama at mali. alam ko na ang dapat kong gawin para maabot ang mga pangarap ko. tumatanda na talaga ako, ngayon marunong nako magmahal, at hndi ko maipagkakailang nasasaktan na din ako.

haay, kay bilis talaga ng panahon, kay bilis ng buhay.

nandito ang ilan sa mga nangyayari/nangyari sa buhay ko..

~*~*~*~*~

nakakuha ako ng bagong cellphone, w550i ; nag-DL ako ; kumakain na ako ngayon ng tinapay at saging ; natutulog ako ng 12 araw araw ; nagigising ako ng 9 araw araw ; naaaddict na ako sa music, nakakagastos na ako ng 300 na load sa isang araw (shet!), nagwo-work out na din ako every other day, nakabili ako ng bagong bag at jeans for summer, nakakuha ako ng allowance galing sa daddy ko; napapaliguan ko na ung aso ko araw-araw; nakakapagbasa nako ng isang libro kada linggo; nakakausap ko si *SOMEONE* araw araw sa phone, except this week na nasa province sila; nakakapag-crosstitch nako ng matino; nakakapag-dasal na ako araw araw; nakakapagluto na ng matino; nakakapag-ayos at linis na ng bahay; nakakatulong na ako sa mommy ko; nakakarelate na ako sa mga pinsan ko; nagamamahal nako; umiiyak paminsan-minsan; nakakapag-enjoy na ako ng buhay ko.

o diba? aliw.. e2 naman ung mga plans in the future ko!

makapagtapos ng pag-aaral sa isang magandang university, maging isang magaling na doctor/chemist. makapag-asawa ng tulad ni GUY, better yet kung si GUY yung mapangasawa ko ( mwahahaha! ), magkaroon ng matinong buhay, magkaroon ng sariling pamilya ( ibig sbihin may anak and chuva), maging financially stable ( go jer!), malagay sa maayos na kalagayan ang parents ko na nagpalaki sakin ng matino, makapagpaggawa ng bahay at beach resort ( naks!), maging MASAYA ako at ang pamilya ko. ,")

haha.. ang OT ko, anlakas ko mangarap noh!

conclusion ng entry na toh.

LIFE IS TOO SHORT TO BE WASTED. sayang naman ang buhay, so live it to the fullest. be happy and love everything you have. Laugh, Love, Live and Let Live!

have a happy summer everyone!
ciao people ^^

0 Comments:

Post a Comment

<< Home