all hail to sapph 09!
haay, ang bilis talaga ng panahon. naaalala ko pa rin ang 1st day of official classes sa pisay, naka-civilian ako, nakalugay, nakasalamin, maraming pimples, tulala, takot, at super nahihiya. pagbaba ko ng service, sobrang gusto ko na kaagad umuwi. lalo na nung nakita ko na halos lahat ng tao dun ay naka-kulay orange na uniform, habang ako ay naka pink t-shirt at maong pants. waaaah!! *Shoot* talaga. "takbo patti, takbo" yan ang iniisip ko nung time na yun. nakalimutan ko na axually yung ibang details. ah basta ang naaalala ko lang nun, ay pumila kami accoridng to sections... tas biglang napunta na ako sa isang room at nakakita ng iba ibang tao. sobrang waaaah talaga yung feeling. tas nung sinabing sapphire lahat nung nasa room na un, sabi ko sa sarili ko "patrisha di ka bagay d2, takbo na!!" sa sobrang bilis ng mga pangyayari, nakalimutan ko na. ah basta the usual getting to know each other chuva, waaa. andami kong 1st impressions. well sa sobrang dami, sa summer ko na lng yun ilalagay axually karamihan dun mali, dati kais akala ko ang mga tao sa pisay weirdo, baliw-like at SHNOB! XD snob pala. bsta ang weird ng feeling na maging isang ganap na pisay skolar. wah talaga! dyahe yung feeling. dapat gn2 ka, dapat ganun, dpat ganyan. sobrang daming expectations, sobrang daming dapat gawin, para bang pasan ko na ang buong mundo. ewan ko ba, pero sobrang takot ako sa mga kaklase ko nun. as in waa tlga. as te moths pass by, unti unti kong nalaman na masaya sa pisay. axually one week pa nga lang ay super adjusted na ako sa surroundings. ang friendly ng mga tao, ang peaceful ng atmosphere, ang saya talaga. siguro nga ay naging busy na ako mxado dahil sa pisay, as in less SM at lakwatsa, but still worth it naman eh. ang saya kasi ng feeling na PISAY AKO. haha saka ang saya din kasi masaya ang mga kaklase ko. dati ampanget ng tingin ko sa kanila, but then after 10 months, anu na ang masasabi ko bout them?I LOVE YOU GUYS! I LOVE SAPPHIRE SO MUCH! THANK YOU!!! *HUG*
haha, yeah boy! go US! go SAPH! ewan ko ba, pero kht 10 months pa lang kami magkakasama, as if 10 years ko na silang kilala. well, hindi ko masasabing bonded kami as a whole but then, kung makakasama nyo kami ng isang araw.. aakalain nyong magkakapatid na kami. makikita nyo kaming nagyayakapan, nag-aasaran, nag-dadaldalan , nagkwekwentuhan, nag-iiyakan, nagtatawanan, nagkakantahan, nag-popokan (as in poking), nagbabatuhan, nag-kakainan, nagkakandungan ( wth, vince and jut), nag*totootan* haha. ah basta. ganun ang saph09. maingay, kwela, masaya, malungkot, maganda, astig, malupit, at wala ng tatalo pa. well at first, aaminin ko na mejo di ako okay sa saph, i feel rejected. ewan ko ba kung bakit. as in dati, saph is divided into 4 grps. goths, trish's grp, guy dormers, and ang mga loners. luckily i belong to the goths at hndi sa mga loners society. GOTHS as in guardians of the holy sphere, patticruz, kate, yana, belsha, ingrid, dianne and yana as the sphere. masaya ang goths and i can say that we treat each others as siblings na. well, not in blood pero at least i feel na we're sisters na talaga. pero dati, divided tlga ang saph. till the eng. play came. as in ewan ko ba kung anung nangyari pero sobrang naging bonded ang saph, dahil sa eng. play na yan. as in our worlds merged as one. ewan ko ba, pero since that eng. play, naging SUPER close na ang saph. then lalo ko na silang minahal. as in seriously, mangiyak-ngiyak na ako habang tina-type ang kachuvahan na itech ( tama ba ang spelling? oh well) @_@. dahil sa saph, naging masaya ang 1st yr ko sa pisay, yes inaasar nga cguro ako ng mga kaklase ko pero most of the times sila yung andyan para damayan at tulungan ako, dahil sa kanila naging makulay ang mundo ko, hindi ko na-feel na loner ako, hndi ko ne-feel na gusto ko ng bumalik sa dati kong skul, dahil sa kanila i feel accepted and loved, dahil sa kanila i looked forward to school days, dahil sa kanila i enjoyed cramming and i did learn a lot of things, dahil sa kanila i learned to love and be loved as siblings, dahil sa kanila i learned how to accept and be proud of who i am. dahil sa kanila, i learned to forgive myself for being not this perfect person, yes, this may sound so cheezy and carp pero it's true. i cannot put into words how much i am grateful to have them as my friends, classmates and my siblings ( naks! )
kaya naman, sobrang mami-miss ko talaga kayo! super! as in to the highest 69th chuvalulu power! haha..^^
waah, 2nd year na tayo mga tsong! and kakayanin natin yan, hindi man tayo magkakaklase pero alam naman natin na handa tayong tumulong sa isa't isa. db?
para sa GOTHS. isang malaking *HUUUUUUGGG*
ingrid at dianne, mga gaga! hidni ako ketongin at wala akong gusto kay ERA at JOJO!!! gaga! haha. sila ang aking mga idol at ang 2 sa pinaka-closest ko. silang 2 ang pinaka-hilarious sa aming magbabarkada, ganun pa man ay sila din ang 2 sa pinaka-mababaet. haha, yes cguro nga minsan ay sumusobra na ang dalawang ito sa mga kalokohan, pero ganun pa man ay masasabi kong mahal na mahal ko ang 2 ito. haha, sila ang mga reyna ng kalokohan, ka-pervertan at kadaldalan. and take note, mga recording artists ata ang mga ito, biruin nyo nakagawa sila ng madaming kanta na dedicated kay belsha at iba pang saph peepz. aliw noh. haha. sila din ang nagpa-uso ng mga words na tarush, chuvalulu, eklach at kung anu-ano pa. sila din ang bumaboy sa pangalan ko at pagka-tao ni belsha ( LOL ) tama ba namang tawagin akong panty, panget, ketong, fafa, fama at kung anu-ano pa? haha.. hoy sa inyong dalawa pakatino kayo ha! at tandaan nyo ANG GANDA KO TALAGA!
belsha at yana, ang 2 anghel ng aming grupo. kabaliktaran nila ingrid. XD lol. haha, silang dalawa ang pinaka-anghel at tahimik sa aming grupo. well hndi sila tahimik pero at least tolerable ang noise nila. si belsha, ang pinaka-masarap i-huugg sa buong mundo, si yana naman ang cute artist ng aming grupo. haha, si belsha kumbaga ang babysitter at si yana ang baby.. haha. *hug*
kate, ang heartthrob ng GOTHS! isa din sa geniuses namin. *HUG* at itatakas na kita sa mga stalkers mo! haha! thank you for being my best bud. madalas ko siya kasama, at nagkakasundo kami sa maraming bagay. medyo mahiyain nga lang si kate, pero swear matalino yan. saka she's one of the most loveable! heh. nasasabi ko lahat kay kate, siya na ata ang pinaka-mahal ko sa goths, well kapantay niya si dianne. lol XD haha, si kate ay calvin lover, isa xa sa pinaka-maasahan at mapagkakatiwalaan. i love you so much! *HUG*
patticruz, ang GENIUS sa mga GENIUSES. haha, siya ang top ng aming klase at ang 2nd sa aming batch nung 3rd qtr. pero tingin ko xa na uli ang TOP this 4th qtr. haha. uh, hindi man maxado naging okay si patticruz samin, masasabi ko na CLOSE kami. as in asteeg xa kasama, kung inaakala nyong weird at nerdy siya, well mali kayo. magling si pat mag-advice at always willing to help. madami ding nagkaka-crush sa kanya. siya din ang pinaka-mature samin. and masasabi ko na siya ang siguradong magiging pinaka-succesful samin. bukod sa matalino na xa ay napakasipag pa ni patticruz. i love you so much. *HUG*
~~~~~~~~~
para naman sa ibang saph..
trish at marga, mga nagkaka-crush sakin! haha. sa sobrang pagmamahal nila sakin, lapit sila ng lapit. haha kumbaga mga stalkers ko! mwahaha. sila ang dalawa sa pinaka-madadaldal. mga beauty at brains sila tulad ko. haha, un nga lang mas maganda at mas sexy ako sa kanila. mwahaha. hoy, mga bruhilda. sorry pero taken na ako. haha. seryoso na, sila ang 2 sa pinaka-kinukulit ko. haha, masarap kasi sila kasama, a sin super. yun nga lang hidni nila matanggap ang katotohanan na mas maganda ako sa kanila. mwahaha.. *HUG*
jut, neon, mike and vince, haha hi mga people! uh, hndi ko kilala ang mga panget na yan. lol si neon lang pala ang panget. haha, sila ang mga nagkaka-crush sakin. halos magpatayan na nga yan, dahil sakin eh. joke. seriously..
jut-> tigilan mo na ang kakayakap sakin, haha. alam kong mahal mo ako peor hindi mo na kailangang yakapin pa ako. haha. hoy! pakatino ka. kahit para kay ix man lang. haha. si JUT kahit maloko yan, loyal yan. mabaet din naman xa at masarap kausap. yun nga lang minsan may pagka-manyak. XD haha. o ayan ah *hug* go INGRID! haha ay IX pala!
neon-> ang panget mo! joke.haha, hndi naman tlga panget yang si neon eh. madalas inaaway nya ako at inaaway ko din xa. kaso minsan sumosobra na yan. siya na ata ang pinaka-bulag sa kanilang barkada. haha, if i know natotorpe lang yang aminin na ang ganda ko atang sexy ko talaga. mwahaha. oi neon, continue inspiring other people especially 08 girls. haha. pakatino ka din po ah. go BELSHA, ay beneta pala! XD *hug*
mike-> ang inglsero ng grupo. kabaliktaran ni neon na aanga-anga s eng. peace neon! haha. si mike ang heartthrob bukod kay neon na pati bading naakit. haha. siya lagi ang leader namin sa mga classroom proj. lalo na sa eng. haha. kais naman compared kay neon siguradong mas oaky na si mike. XD. haha, haay naku madaming nagkaka-crsuh d2. haha. andyan si *toot*, *bleep*, *sssh* ay naku madami pa.. haha. thank you sa lahat! *hug* go VINCE. haha ( note na may relasyon si VINCE at MIKE )
vince-> meh. meh. haha. ang pinaka-bading sa lahat. haha. si Vince ang kakwentuhan ko pag nasasad ako. siya ang ultimate crammer na idol ko. biruin mo ba naman, tamad yan pero UBOD ng talino. ewan ko ba dyan. haha. if i know inspired ka lang kay *toot* eh. haha. bulag din yan tulad ni neon, at ayaw aminin na maganda ako. mwahaha. siya ata ang pinaka-kaclose ko sakanilang apat. haha, masaya kasi si kuya vince at big brother ko na ata siya. ay mali sister pala. mwahaha. oi, pakatino ka din po, kahit na matino ka na XD. *HUUGG*
o ayan.. tama na muna for now. pudpod na daliri ko. T~T
*to be continued* aba, nobela ata ito ah. mwahaha. *


0 Comments:
Post a Comment
<< Home