Saturday, April 15, 2006

paparap PACQUIAO.. love ko toh..?!?

random thoughts..

okaay.. addict na ba talaga ako? o natuluyan lang sa pagkabaWIL? or maybe natatakam lang ako sa coke float at twister fries. grabe. antakaw ko ba? yeah boy! as i was saying, nababangag talaga ako sa mcdo commercial na si manny pacquiao pa ung nag-endorse. nag-umpisa ata yun sa close up ni pacman tas finocus sa "kamao" niya. while saying, "ang kamao ko.. blah bleh blah bleh.." okaay, umpisa pa lang ang ewan na nung commercial. diba?

san ka pa, sa araw araw kong pagharap sa "idiot box" ay napansin ko na marami na talaga tayo ngayong, nakakaBAWIL na commercials, napansin ko din na sa bawat commercial break 3 beses mo ata makikita ang mukha nila kris aqino, sharon cuneta at... tantaratantatan.. MANNY PACQUIAO. pansin ko lang naman na hndi lang pala boksengero si pacman, kundi isa din xa sa pinakamalulupit na endorsers. grabe, kung si sharon ay may mcdo, selecta, alaska, ladies choice, century tuna, superferry, coca cola, at kung anu-ano pa. si pacman naman ay may alaksan, mcdo, san mig beer, darlinton (ay w8, tama ba ung tatak?), at kung anu-ano pang kaek-ekan sa mundo. grabe na toh!

haay. ganito na ba talaga kadesperado ang mga tao? i mean, dahil sa popularity ni pacquiao bilang boksingero, tama lang ba na gamitin ito sa pag-eendorse ng mga sari-saring produkto? okay, i have nothing against pacquiao or sharon or any other famous endorser. ang sakin lang, don't you think it's time to give oppurtunities to other people? i mean, for sure mas maraming nangangailangan ng pera sa kanila, at masa maraming karapat-dapat na maging endorser. hindi porkit kilala na ang tao o ang isang celebrity ay dapat na ito abusuhin ng mga desperadong commercial people. hindi ba nila alam na maraming kabataan ngayon ang pumipila ng pagkahaba-haba at nagnonobela ng pagkatagal tagal para lang matanggap bilag model? i mean, they deserve a chance. mehn, hindi ata madali mag-alaga ng kutis at katawan para sa isang commecial diba?

okaay, back to the topic. yung mcdo commercial ni pacquiao. grabe, eto na ung malupit na part, yung ending! grabe! guess what! yung famous line ng mcdo na, "paparap papap love ko toh"

kaso in a very new twist, biruin mo sa sobrang desperado madugtong o makonek si pacquiao sa mcdo ginawa na nilang..

.....



"PAPARAP PACQUIAO, LOVE KO TOH!!!"

shet, san ka pa? oh di ba?

tanungin niyo ang mga kaklase o kaibigan nyo, for sure alam nila ang famous line na ito. very historical kasi eh, sa pilipinas lang nangyari ang ganito, mapagdugtong ang isang FAST FOODCHAIN sa isang sport which is BOXING! ;p

san ka pa talaga? dito lang sa pinas yan noh!

~*~*~*~

paparap papap... LOVE KITA..

oh diba? may sarili nakong vesion! mwahaha! cge na tama na ang kabangagan. matutulog nako, ay w8 pansin ko lang mali yung time sa blog ko! ang weird. ack..

~~~~~
9:12 pm

0 Comments:

Post a Comment

<< Home