Tuesday, November 01, 2005

(Ang mga pangalan at pangyayari sa aking istorya ay bahagyang binago, ito ay hango sa tunay na buhay ng aking kaibigan)

Ang unang araw

ni Patrisha Cordova


Una pa man kitang nakilala ay alam ko na, na magiging mahalaga ka sa aking buhay. Ng makita ko ang iyong mga mata, ay nakita ko ang kalunkutang bumabalot sa iyong pagkatao.Ako ay nalungkot, ngunit natuwa rin naman, sa wakas tayo'y nagkakilala. Sa wakas tayo'y nagkasama. Ako ay kinabahan at hindi mapakali sa aking kinauupuan. Nakita kita nakatingin sa kanya.Para bang lumuluha ang iyong mga mata habang nakatitig sa kanya. Ako ay nasaktan. Unang araw ng ating pagkikita. Unang araw ng sakit na aking nadama. Maya maya pa ay lumapit ka sa akin.Tinanong mo ako ng aking pangngalan. Sabi ko pa nga noon "ah eh, anu, da-daay-dayaaann-dayana" Halos magkabulol-bulol ako ng aking sinabi ang mga salitang iyan. Pero ngumiti ka lang at biglang natawa.Sbi mo "ikaw si dianna di ba? naalala mo pa ba ako?" Bigla akong nagtaka sa kanyang sinabi, kilala niya ako. Napa-isip ako at napa-isip hanggang sa "ikaw nga!" Siya nga si Manny, ang aking dating kamag-aral.Nasa ikaapat na baytang na siya. Habang ako ay nasa Ikalawang baytang pa lamang noon, ng una ko siyang nakita. Bigla kong naalala ang kaniyang dating itsura. Para bang mayroong nagbago.Ang dati-rati nyang kaligayahan sa kanyang mga mata ay biglang naglaho. Ngayon ay masasabi kongsawi at nagdurugo ngayon ang kanyang pagkatao. " Kamusta ka na?" sabi niya sa akin. Ngunit hindi ko agad napansin ang kaniyang sinabi. ako'y napamangha sa kaniyang itsura. sa isip isp ko'y-- ang gwapo niya. Tunay ngang ako ay humanga sa kanyang makinis at maamong mukha.Inulit niya ang kanyang sinabi. "kamusta ka na" Napansin ko na iyon at ako'y nagwika. "Mabuti pero kinakabahan, unang araw ko kasi sa paaralang ito." Siya'y biglang napatawa. "Ayos lang yan, kaya mo yan, ikaw pa", sabi niya sa akin.Ako din ay biglang napangiti. Tila bang nabuhayan ako ng loob sa kanyang mga sinabi. ang maamo niyang mukha ay wari'y nagpapaligaya sa kinakabahan at malungkot kong kaluluwa.
Unang araw... Unang araw na ating muling pagkikita. Unang araw ngaking muling kasiyahan.Unang araw rin ng muling kabiguan.
(...........to be continued........)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home