Tuesday, November 01, 2005

Isang taon ng pangungulila

ni PATRISHA CORDOVA


Naalala ko pa ang mga panahon na tayo ay magkasama. Simula pa lang alam ko nang magiging mahalaga ka na. Alam kong magiging ispesyal ka. Parang kailan ng noong tayo ay nagkakilala "prep" pa lang tayo noon, naaalala mo ba? Ang mga pangbwibwisit mo sa akin noon. Ang mga kalokohan mo at kung anu ano pa. naaalala mo pa rin ba noong tayo ay unang nagkawak kamay at sumayaw? At ang kendi na ibinigay mo sa akin? Iyon ang unang bagay na iyong ibinigay.

Ang kending iyon ang simula ng ating pagkakamabutihan. Mula unang baytang hanngang Ikatlo, tayo ay naging magklaklase -- tayo rin ay naging magka-away. Ewan ko ba kung bakit tayo nag-aaway. Basta ang alam ko na lang lagi mo akong pinapahiya at pinapa-iyak. "Kulot", "Salot", "Panget" "Lola" --> yan ang mga tawag mo sa akin noon. Naaalala mo pa ba? At ang tawag ko nga sa iyo noon ay "Palaka" o " Pongoc" Sa tuwing naalala ko ang mga bagay na itoay hindi ko naiiwasan na matawa at malungkot. Hindi ba't nakakatawang balikan ang ating mga tampuhan.

Simpleng bagay lang noon ang ating pinag-awayan. Pero ang totoo, sa kabila ng panlalait natin sa isa't isa ay ang ating pag-iibigan. "The more you hate, The more you love" ika nga. Pero kahit tayo'y hindi nagpapansinan noon ay halata ng buong mundo kung gaano natin kagustoang isa't isa. Ang mga pasulyap-sulyap at ang mga pasunod-sunod natin sa isa't isa. Tuwing nawawala ka sa aking paningin ay para ba akong unti-unting nababaliw. Ewan ko ba, kung bakit kita nagustuhan. Maraming balita ang kumalat, Crush daw kita at crush mo daw ako. Pero never man lang natin sinabi ang totoo. Tinago natin ang katotohanan na tayo'y may gusto sa isa't isa. Na bata pa lamang tayo ay maganda na ang ating pagtitinginan. Tinago natin iyon ng maraming taon. Nguni't hindi naging lingid sa mga taong nakapaligid sa atin, ang tunay nating nararamdaman. Tatlong taon ng tayo'y naging magklaklase. Naalala ko pa ang "red rose" na ibinigay mo sa akin noong tayo'y Grade 2. Hindi ba't sabi mo pa nga sa akin noon na napulot mo lamang ang mga rose na iyon at ibinigay sa akin dahil trip mo lang. Sumunod ang "chocolate" na ibinigay mo noong Bertdei ko, alam na alam mo kasi kung anu ang gusto ko.

Kaya ayon. Bawat taon na lumipas ay lalo nating tinago ang ating mga tunay na damdamin. Sabi ko may gusto na akong iba, habang ikaw naman ay may gusto na ring iba. Hindi rin nagtagal ay lalong nahulog ang loob ko sa iyo, sa tingin ko rin noon ay lalo mo na rin ako nagustuhan. Sinubukan mong tayo'y magkabati, ngunit umiral ang aking pride at hindi ako pumayag. lalo tayong hindi nagkasundo. Nag-aaway tayo sa harap ng klase. Nag-iiyakan. Nagbabangayan. Habang naalala ko ang mga sandaling iyon ay nakikita ko ang iyong mga mata, na para bang lumuluha. Mkalipas ang ilang linggo, ay napagpasyahan ko na rin na lapitan ka. Sabi ko pa nga noon, "Troie sorry na bati na tayo, crush naman talaga kita ehh," habang umiiyak. Tapos ang sinabi mo lang sa akin noon "Crush din kita" sabay bigla mo na lang ako hinagkan at tumakbo papalayo. Kinilig ako noon at natuwa. Sa sobrang tuwa ay ipinagkalat ko yun sa buong mundo. Mabilis na kumalat ang balita. Hindi nagtagal tayong dalawa ang "hot couple" sa ating baytang. Habang tayo noon ay magkaibigan na.

Pagkalipas ng isang taon, ay pumasok na tayo sa ikaapat na baytang. Dito nagsimula ang lalong matibay nating pagkakaibigan. Naging matalik kitang kaibigan. Sa iyo ko lahat sinabi ang aking mga problema, hinagpis at kasiyahan. Ikaw rin ay ganoon din sa akin. Ngunit hindi na naman nagtagal ay tayo'y muling nagkatampuhan. Sa panahong iyon ay paeho na tayong "mapride" wala man lang mi isa sa atin ang humingi ng tawad. Pinalipas natin ang mga sandali, hanggang tayo ay lubos ng nagkatampuhan. lahat ng kaibgan ko ay naging kaaway mo, habang kahat ng kaibigan mo ay ngaing kaaway ko. nagkaroon tayo ng isang magulong pagtitinginan. Ngunit ang totoo naman ay hindi tayo galit sa isa't isa. Naguguluhan lang tayo ng mga panahong iyon at sobrang nalilito. naging pangunahing usapin kasi tayo s ataing paaralan, kaya tayo na mismo ay umiwas. Di nagtagal ay kumalat pati sa ating mga guro ang ating di paguunawaan. Inakala nila na tayo ay nahaharap sa isang matinding awayan. Hindi lang nila alam na parte iyon ng ating makulay at magandang pagsasama.

Noong ikalimang baytang naman tayo ay tila lalo tayong nag-iiwasan. Lalo nating itinago ang ating mga nararamdaman. Iniwasan natin ang ating mga sarili. Tumakbo, lumayo at nagtago sa katotohanan na tayo ay nagakkagustuhan. Hindi ko alam pero lalo kitang minahal habang lumipas ang mga panahon. kahit na tayo'y laging nag-iiwasan, di lingad sa ating mga sarili at sa mga taong nakapaliid ang ating tunay na damdamin. Lagi mo na lang ako pinapatawa sa bawat ngiting iyong ginagawa. Masya na agad ako, makita ka lang na masaya. Pasulyap-sulyap pa nga tayo s aisa't isa. Pero ni minsan ay hindi natin inamin sa ibang ao ang ating paghanga sa isa't isa. Di dahil sa kinakihiya kita noon, nagawa ko lamang itago ang aking mga tunay na nararamdaman sapagka't ayokong masaktan. Takot ako na umasa na mahal mo rin ako kahit na papaano. Ang akala ko kasi dati ay gusto mo lang talaga ako pagkatuwaan noon. Inakala kong di ak seryoso sa iyong mga sinasabi. Hapon-hapon ay pumupunta ako sa may swimming pool. Nag-aabang, naghihintay na makita man lang kita kahit sa malayo. Akala ko hindi mo ako napapansin. Kaya pinagpatuloy ko lang ito, anggang sa dumating ang mga panahon na hindi na ako nakaka-aral ng mabutoi kakahintay na masulyapan ka lamang kahit na sandali. Hapon na ako umuuwi noon, madalas pa nga akong ginagabi sa daan. pero sulit rin naman, kasi nagkakaroon ako ng pagkakataon na titigan ka, kahit sa malayo lamang. Masaya na ako, makita ka lang hapon-hapon. Habang ikaw ay nag-eensayo sa paglangoy. Napansin ko na lalo kang gumagaling sabawt araw na dumadaan. Ako ay lalong natuwa. Natuwa para sa iyong tagumpay. Pero hindi ko matatgo sa aking sarili na ako ay natatakot sa bawat paglangoy na iyong ginagawa. gabi-gabi kong ipinagdarasal na sana ay walag mangyaring masama sa iyo. Araw araw kitng sin7baybayan. kaya tunay nga na nakita ko kung gaano ka humusay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home